IMY
matagal ko ng gustong magsulat kaya lang tinamad ako. just to update myself about what had happened in my life this past few days i finally decided to write one. i failed the exam at EMCI. sobrang nalungkot ako, but then the company gave me another chance to take an exam for another vacancy. as of the moment i am not expecting anything. masyadong mahirap yung exam para umasa. after the exam i went to victoria, laguna without my parent's permission. (if i'm going to read this in the future, i know where i go that time).
another side of my life:
pumunta sa bahay namin ang kaklase ko nung elementary na itago nalang natin sa pangalang Jobelle. inaanak ko ang anak kaya sa makatuwid ay kumare ko na sya. dala ng kahirapan, highschool lang ang tinapos ni Jobelle. marahil dahil na rin sa kanyang kalagyan ay maaga syang nakapag-asawa. matagal din naming pinagkwentuhan ang kanyang buhay, kung pano sya di sinasadyang nagkapamilya at kung pano nabubuhay sa araw-araw.
ang lumang camera:
bitbit ang pag-asang makakatisod ng pera, dala ni Jobelle ang isang lumang camera. pinagbebenta nya daw ito sa halagang hindi nya alam. hindi ako naging interesado, sa halip ay nagwentuhan na lamang kami. matapos ang aming kwentuhan inabutan ko sya ng isang daang piso.
ang sangkap ng cortal:
naikwento nya sakin kung paano nya sinubukang ilaglag ang munting anghel na hindi nya inaasahan. produkto ng "one night stand" wika nga ng iba. hanggang pitong buwan na ang kanyang dinadala umiinom pa rin sya ng cortal. ngunit sa labang ito, panalo ang munting sanggol. ang dahilan ni Jobelle: "matabang na kasi ang sangkap ng cortal ngayon".
Side C:
galing kami kila lester ngayong gabi. madaming nag-iinuman. nakapasa kasi si lerwin sa board exam. naalala ko ang mga kaibigan k sa aking unibersidad. halos gabi-gabi kaming umiinom, naglalasing at nagsusunog ng baga. masaya ang buhay, akala ko. pero madami na ang nagyari, madami na ang nagbago.