gusto ko ng masayang kulay.. lavender? masaya nga atang kullay to... masaya ko sa laptop ko, nadadala ko kahit saaan, nabubuksan, nagagamit pag kailangan.. moe moe ang pinangalan ko sa kanya.. ewan, dahil siguro moemoe ang madalas kong itawag sa kapatid kong lalaki na bumili nito... masaya ko ngayon, pero malungkot, gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko o wala lang talagang laman ang isip ko?
di ko alam mag c0mfort, gusto ko sanang magkwento pero pinayuhan niya ko tungkol sa self-disclosure. sa ngayon, oo masaya ko...ai mali, siguro kuntento.. kuntento na ko na ganito lang ako, na hanggang dito lang ko.. pero hindi ibig sabihin ng contentment ko, eh wala na kong pangarap sa buhay.. madami akong pangarap, una para sa pamilya ko, pangalawa para sa mga kamag-anak ko, mga kaibigan at para sa sarili ko...
"gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakapagshare ako sa ibang tao"
gusto ko sanang sabihin na ako naman ang nabibigatan, gusto ko sanang magbitaw ng joke pero wala akong masabi kundi "kaya mo yan".. pakiramdam ko, wala akong kwenta, wala akong karapatan na pagsabihan ng problema dahil wala naman akong maitutulong sa kanya...
gusto ko ng umuwi,pero bat parang di ko sya kayang iwan sa ganung sitwasyon, alam ko namang wala akong magagawa.. wala akong masabi, pangiti ngiti lang... pasulyap sulyap sa mata niya... nakikita ko kung gano kabigat ang problema niya, pero oo, aaminin ko.. hindi ko nararamdaman... hindi ko alam kung hihirit ba ko o hahayaan nalang syang magkwento..."hindi ko na kaya"...
umiyak sya pero aaminin ko, ayokong makita... ayokong pagmasdan kung gano sya nalulungkot sa mga nangyayari... nakatunganga lang ako, wala akong magagawa... pero nung panahon na namomroblema ako, kahit di ako humingi ng tulong sa kanya, nandyan sya... nakakainis kasi sya, utang na loob ko pa ngayon na pakinggan sya.. nabibigatanako sa lahat ng dinadala niya... bakit wala akong masabi, bakit wala akong magawa... madami akong gustong ikwento sa kanya... sana mabasa niiya to...
No comments:
Post a Comment