nainip ako sa maraming bagay. sinubukan kong magkulong sa apat na sulok ng aking maliit na kwarto. duon ako dinalaw ng kalungkutan. kalungkutan na bumabalot sa aking katauhan. simpleng tao lang ako, masaya na ko kung makatulog ako ng mahimbing sa loob ng isang lingo. tinanggap ko na hindi ko kayang ihimlay ang aking diwa sa malambot na espasyo para dito.
lumabas ako sa kwadro, lumipat sa isang di pangkaraniwang lugar.
apat kami. tanaw sa di kalayuan ang magulong pag-iisip ng karamihan. napaisip ako, duon yata nagtitipon ang mga maliligalig na katauhan. halo-halo ang emosyon, tila isang reyalidad ang nagbabadya. hindi lang ako ang nababalisa. halos matunaw ang aking kalooban sa senaryo na aking nasaksihan.
No comments:
Post a Comment