Monday, May 31, 2010

Ruler

Katatapos ko lang kumain ng itlog na pula at kamatis. Nagtataka lang ako bakit kaya itlog na pula ang pangkaraniwang tawag sa "salted egg" kahit hindi naman talaga pula ang kulay ng itlog na pula? Naisip ko nalang, "Whatever".

Kinakabahan ako ngayon. Bakit? Dahil bukas na ang ika isang linggo ng application ko sa ESS Manufacturing Corp. Inc. at dahil dyan bukas na ang paghuhukom. Madami na din akong natanggap na rejection notice mula sa iba't ibang kompanya. Pero sa totoo lang, hindi ko masyadong inisip ang lahat ng iyon. Ngunit sa pagkakataong ito nararamdaman ko na ang pagkabigo ay magiging dahilan ng aking matinding kalungkutan. Bakit?

Natuwa ako sa EMCI dahil habang nag eexam ako alam ko na alam ko ang ginagawa ko at pinag-aralan ko ito. Hindi katulad sa iba kong pinag-applyan na parang basta magkatrabaho na lang. Sabi nga ni Aryan "think positive" dahil kung ano ang iniisip mo yun ang mangyayari sayo. Syempre pwera nalang sa mga imposibleng bagay na hindi kayang maabot sa pamamagitan ng sipag at tyaga.

Tinawagan na si Aryan, at alam ko na tatawagan na din ako para sa isang interview. Sabi nga ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai, angkinin mo na at darating.


No comments: