Tuesday, December 23, 2008

KABIT

i was hurt. bakit kaya? feeling ko there is something missing in my life. Something or someone? -sigh- . I admit naiinggit ako kay joie, she was a very lucky girl. Kung ganun lang sana situation namin ni Carlo, Im willing to take the risk. Kaya lang sobrang magkaiba talaga.

Kung si LJ naipakilala si Joie sa buong angkan niya, si Carlo tinatago ako sa lahat ng kamag-anak niya. And that really hurts Carlo! hahahaha

Kailangan ko ng magbago next year. I must be serious in life at my age. Di na ko bata. Saka i should know the difference between the right and the wrong. Masaya gumawa ng mali, kaya nga mahirap bumitaw. Yun nga lang dahil sa hindi pa natin nararanasan gawin kung ano yung tama, hindi pa natin alam na mas masaya pala gumawa ng tama. Parang linya lang sa UPCAT the movie, wala kang karapatang sabihin na ayaw mo hanggat hindi mo pa nasusubukan. Pero syempre in every rule there is an exemption.

Medyo bagot na nga rin ako sa buhay single. Sawa na rin sa mga flings. Ayoko magkaron ng tatak. Gusto ko ng seryosong relasyon sa tamang tao.

Oo, tama. Hindi dapat nagmamadali. Darating din yan. Katulad ni Joie, hindi naman sya nagmadali. Naghintay din sya. Ewan ko ba kung pessimistic ako pagdating sa relasyon nila pero nireserba ko na yung kanang balikat ko para kay Joie.

Sana maalis ko na bisyo ko. Ayoko na. Nasubukan ko na kaya may karapatan na kong umayaw.

Monday, December 22, 2008

desperadas

three days ng hindi nagtetext si joie, and im so worried about her. Both of her phones are turned off. hay.

I found relief last night because of LK, well as he said it's ok to fall in love for someone as long as it took place at the right time and for the right person. Thumbs up for LK!

Lumipat na ko ng site kasi dumarami na yung bumabasa ng mga posts ko sa friendster and I can't blame them because the site was open for public viewing.

Anyway I learned kanina that Marky died not because of pancriatic disorder o yung bangungot. He hanged himself due to heart problem. And for me that was the real angle of the story.

Well,binusted daw kasi ni LJ Reyes. Like what my father is always saying kanina, sa 19 years na stay ba niya naging masaya sya? Without LJ in his life. Siguro naman OO.

Going back, I was planning to give Carlo a christmas gift (bacardi 151) but I think I'll follow LK's advise.

Starting next year I'm planning to renew my life. Bawasan ang gimik nights and focus on my acads. I admit napabayaan ko acads ko these past few months because I'm always drunk. Almost everyday and I'm always out of the right track and budget. It's time to set aside the people who came into my life.

Wednesday, September 3, 2008

surreal

i have to do so many things regarding my acads, but i cant start any of them. why on earth do i need to do this and that if all i want to pursue is development. development in broader context of human understanding. why does our instructor needs to give an assignment wherein the anwers are available on the internet? why do we need to make an structured learning experience when it only last for one day? is it enough for the concepts to inculcate in the mind of the senior citizens?

and lastly, why do i have to study instead of coming late to the class and rushing for the latter part of the quiz ? i want progress, not only on knowledge but also in my personality. i want happiness, i want to die with it, really. im bored, maybe i need someone to talk to, about life or maybe about my life.

Tuesday, August 12, 2008

dapat pa ba kong magsalita?

gusto ko ng masayang kulay.. lavender? masaya nga atang kullay to... masaya ko sa laptop ko, nadadala ko kahit saaan, nabubuksan, nagagamit pag kailangan.. moe moe ang pinangalan ko sa kanya.. ewan, dahil siguro moemoe ang madalas kong itawag sa kapatid kong lalaki na bumili nito... masaya ko ngayon, pero malungkot, gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko o wala lang talagang laman ang isip ko?

di ko alam mag c0mfort, gusto ko sanang magkwento pero pinayuhan niya ko tungkol sa self-disclosure. sa ngayon, oo masaya ko...ai mali, siguro kuntento.. kuntento na ko na ganito lang ako, na hanggang dito lang ko.. pero hindi ibig sabihin ng contentment ko, eh wala na kong pangarap sa buhay.. madami akong pangarap, una para sa pamilya ko, pangalawa para sa mga kamag-anak ko, mga kaibigan at para sa sarili ko...

"gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakapagshare ako sa ibang tao"

gusto ko sanang sabihin na ako naman ang nabibigatan, gusto ko sanang magbitaw ng joke pero wala akong masabi kundi "kaya mo yan".. pakiramdam ko, wala akong kwenta, wala akong karapatan na pagsabihan ng problema dahil wala naman akong maitutulong sa kanya...

gusto ko ng umuwi,pero bat parang di ko sya kayang iwan sa ganung sitwasyon, alam ko namang wala akong magagawa.. wala akong masabi, pangiti ngiti lang... pasulyap sulyap sa mata niya... nakikita ko kung gano kabigat ang problema niya, pero oo, aaminin ko.. hindi ko nararamdaman... hindi ko alam kung hihirit ba ko o hahayaan nalang syang magkwento..."hindi ko na kaya"...

umiyak sya pero aaminin ko, ayokong makita... ayokong pagmasdan kung gano sya nalulungkot sa mga nangyayari... nakatunganga lang ako, wala akong magagawa... pero nung panahon na namomroblema ako, kahit di ako humingi ng tulong sa kanya, nandyan sya... nakakainis kasi sya, utang na loob ko pa ngayon na pakinggan sya.. nabibigatanako sa lahat ng dinadala niya... bakit wala akong masabi, bakit wala akong magawa... madami akong gustong ikwento sa kanya... sana mabasa niiya to...

Thursday, August 7, 2008

wisdom tooth does mean wisdom?

i have a toothache today, well probably because of the wisdom tooth ....

how to value friendship?

yes, at first i think i was a victim, they don't even tell me the reason...

mahal ko sila, yun nga lang may mga bagay na hindi maiiwasa, ewan praning nga ata ako.. masaya ako na ganito pero masaya nga ba talaga ko o kuntento lang? nakita ko si tolitz bilang kaibigan, kung pano niya ko pinrotektahan nung mga panahon na mahina ako, sabagay hanggang ngayon naman ata.. nakita ko na sinuportahan nila ko... naramdaman..

masakit nga ba talaga para sakin lahat ng nangyayari o pinapalabas ko lang na apektado ako... minsan maski sarili ko hindi ko maintindihan... gusto kong sumiksik sa isang sulok, itago ang sarili ko sa katotohanan na buhay ako at isang realidad.. hindi ko kilala ang sarili ko..

lagi kong pinagpapalagay na ako yung tipo ng tao na ganito, ganyan... pero san ko nga ba hinuhugot ang emosyon na nagtuturo sakin para mabuhay... mahirap.. mahirap makipaglaban sa sarili mong katauhan...tao ako... tao din sila...

si kuya niki, pakiramdam ko di nya ko maiintindihan..dahil ako mismo di ko naiintindihan sarili ko... self disclosure.... alam ko ba talaga yun? madaldal na talaga ko masyado, gusto kong magreflect kaya lang ang dami kong exam... yun muna siguro... matatandaan ko naman, self disclosure... ganito naman talaga ang trend, pansin ko lang... ayoko ng ikpagtanggol sarili ko, tama na sakin yung naiinis ako sa mga nangyayari sa buhay ko... sinungaling...

Monday, June 23, 2008

First Assignment in DEVC 70

DEFINITION OF DEVELOPMENT COMMUNICATION


In 1971 Nora C. Quebral defined DEVCOMM as the art and science of human communication applied to the speedy transformation of a country and the mass of its people from poverty to a dynamic state of economic growth that makes possible greater social equality and the larger fulfillment of the human potential.
DEVELOPMENT COMMUNICATION - the art and science of human communication linked to a society's planned transformation from a state of poverty to one of dynamic socio-economic growth that makes for greater equity and the larger unfolding of individual potential. (Quebral,2001)
WE ARE COMMUNICATING FOR HUMAN DEVELOPMENT!

Thursday, June 19, 2008

GUNITA: Pangungulila

nainip ako sa maraming bagay. sinubukan kong magkulong sa apat na sulok ng aking maliit na kwarto. duon ako dinalaw ng kalungkutan. kalungkutan na bumabalot sa aking katauhan. simpleng tao lang ako, masaya na ko kung makatulog ako ng mahimbing sa loob ng isang lingo. tinanggap ko na hindi ko kayang ihimlay ang aking diwa sa malambot na espasyo para dito.

lumabas ako sa kwadro, lumipat sa isang di pangkaraniwang lugar.

apat kami. tanaw sa di kalayuan ang magulong pag-iisip ng karamihan. napaisip ako, duon yata nagtitipon ang mga maliligalig na katauhan. halo-halo ang emosyon, tila isang reyalidad ang nagbabadya. hindi lang ako ang nababalisa. halos matunaw ang aking kalooban sa senaryo na aking nasaksihan.

VOGUE

  • Pronunciation:
    \ˈvōg\
  • Function:
    noun
  • Etymology:
    Middle French, action of rowing, course, fashion, from voguer to sail, from Old French, from Old Italian vogare to row
  • Date:
    1571
    1.archaic : the leading place in popularity or acceptance2 a: popular acceptation or favor : popularity b: a period of popularity3: one that is in fashion at a particular time
    synonyms see fashion
    — vogue adjective